Friday, April 17, 2009

Balik-tanaw sa nakalipas... Grade School

Wala na ako gaano naaalala nung grade school ako pero pipilitin kong may maisulat for future reference n dn cguro at parang msarap mag balik tanaw sa nakalipas.

Gr. I - Wow Magandang balita, EJ mula ngaun sa St. Mary's Academy of Sto. Nino ka na mag-aaral. haha ganda ng panimula ng Grade 1 ko first day of classes nun papasok na ako sa classroom ko, kasama ko mga magulang ko, nahiya ako dami tao e kaya aun umiyak ako sabi ko sa nanay ko ayoko pumasok. Inalok ako ng libro ng titser ko sabi ko ayoko nyan ayoko pumasok... Tapos nangyari na ang pinaka di inaasahan... Tinanong ako ng tatay ko, Palo o Pasok? syempre alm mo n kung anu pipiliin ko diba... Masakit ang mapalo... pero sa d inaasahang pangyayari un ang pinili ko hehe... Kaya umuwi ako kasama ng tatay ko sa bahay namin at dun e pinalo nya ako ng sinturon... At sa pagkatapos ng masakit n palo galing sa sinturon sabi nya... Ayan pumasok ka na... Anu daw? tama ba un? papasok parin ako? dun ko nalaman kung bkit ganun tawag sa tatay at nanay... "MAGULANG"...

Di doon natatapos ang pangyayari sa Gr1... dahil isang araw may naamoy ang mga kaklase ko... uhhmmm mam bakit po ang baho... amoy tae... d ako kumibo... hinanap nila kung saan nagmumula ang amoy... sa bag ko daw... un pla d nila alm n ako ung natae sa shorts ko... Wala akong magagawa likas akong mahiyain e walang imik sa kahit saan hehehe...


Gr. II - Ang Grade II ko ay masaya syempre 2nd section ako e... hehehe ang mga batang walang paki-alam sa grade ngunit may alm naman ay dito napupunta... hehehe... sa panahon n ito ako unang nakapunta ng San Francisco. Wow ganda ah USA to tol hehe. Sa pananatili namin sa San Francisco ang Conan Bros. (bansag sa amin ng utol ko dahil ang lahat daw ng puntahan nmn nabubulabog) ay gumawa ng kagila-gilalas n bagay, well bale ung isa lang sa amin. Utol ko lng, anu ung bagay na un? Wala lng Binuksan lng nya ung fire alarm sa apartment ng tito ko sa San Diego, hehe 5 mins lng dumating ang mga tiga-911 ganda ng site... syempre kami d pahalata basa lng kami ng comics sa lugar ng tito ko... D kami nahuli, pagbalik ko ng Pilipinas wow sakto Monthly test hahaha anu nmn pag-aaralan ko e 2 weeks akong wala, O well kabilang ako sa Section n walang paki sa grade hehehe kaya ko to... Sa Grade 2 ko rin naranasan magpalit ng damt sa loob ng clasrum... Kainis damit pa ng babae, buti nlng d halata n pang babae un, paano nabasa ako ng matinding ulan nun at ung titser kong mabait ayw ako hayaan ng basa ang damit ko...

Well... d ko inakalang ganun na katagal ang nakalipas la na ako maalala sa grade 3-6 kaya isusumarize ko nlng ang mga naaalala ko pa... Nung grade 4 ako natae n nmn ako sa pants pero tapos n klase nun d nlng ako umabot sa bahay inabutan ako sa kalsada... Nung grade 5 nmn nakipag "laro" ako ng floorwax sa kaklase ko kaya pag uwi namin e pulang pula ang polo ko kala tuloy ng tao e dugo un hehehehe astig... At ito na ang grade 6 maliban sa uber pangit n retreat sa school namin... pangit kasi sa klasrum kami pinatulog... sama sama lahat ng lalaki sa isang rum... dun ata ako nabad3p kaya d ako sanay matulog nang maraming tao... laks kasi mangtrip ng mga kaklase ko nun, parang may sira sa ulo... d nlng sarili nila ang paki-alaman nila... cguro tingin nila pang nangtrip cla masaya ang lahat, well I got news for you... sa mga ginagawa nyo pinapakita nyo lng kung anu ang lagay nyo sa bahay nyo un lng un hehehe... sensya kung may natamaan... Graduation nmn, cguro alm n ng mrami n may praktis ang gradwesyon, well para sa akin ito ay isang eye opener... dito ako nagsimula magcutting... naalala ko tuloy na may kalokohan p ako nung Elem days ko... Umakyat ako ng bakod para makalabas ng skul at tumakas sa Boy Scout... ito ang buod ng aking grade school.

No comments:

Post a Comment